LEGAZPI CITY – Tumama ang magnitude 3.9 na lindol sa lungsod ng Masbate pasado alas-11:41 kagabi.
Ayon sa PHIVOLCS, ang tectonic origin ng lindol na naitala sa may lalim na 016 kilometers sa nasabing lungsod.
Naramdaman naman ang Intensity 1 na pagyanig sa lunsod ng Legazpi. Sa ngayon ay wala naman naitalang pinsala sa lugar o nasaktan matapos ang naranasang lindol sa parehong lunsod