LEGAZPI CITY – Sinampahan na ng Philippine Drug Enforcement Agency PDEA ng kasong may kinalaman sa ilegal na droga ang tatlong katao matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Sagpon, Daraga, Albay.
Kinilala ang mga suspek na sina, Vincent Abocalig Jr., Ryan Ballesteros at Rowel Luna.
Ayon sa report ng PDEA Albay, nagsagawa ng Anti-illegal Drugs operation laban sa mga suspek kung saan positibong kumagat sa pain ang isa sa mga target na suspek na magbenta ng pinaniniwalaang shabu sa halagang P3K.
Dahil dito, hindi nakapalag pa ang mga suspek matapos magpakikilala ang mga ito sa mga otoridad.
Nakuha sa kanila ang tatlong piraso ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na humigit-kumulang sa 12 gramo na nagkakahalaga ng mahigit sa P81K.
Sa ngayon ay nasa kostudiya pa rin ng PDEA Albay ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.