Magnanakaw, kumati ang kamay- limas ang cash at mga cellphone

Umatake ang magnanakaw sa isang bahay sa Barangay Sandoval, Narra Palawan.

Iniulat sa Brigada na nitong alas-tres ng madaling araw kahapon, June 12, 2022 ay pinasok ang tahanan ni Thea Dubria kung saan nakuha ang tinayatang 30 thousand cash at dalawang cellphone na Oppo A5 at Tecno Spark.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Nagising umano sila sa tahol ng aso pero nang tingnan ay wala silang nakita sa paligid ng bahay ngunit bandang alas-kwatro ay natuklasan nilang sira na ang door knob.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Samantala, wala pang suspek ngayon ang biktima.