Arestado ang magkasintahan sa drug buy-bust operation ng mga operatiba sa bahagi ng Sitio Sagipit, Barangay Poblacion District 1 sa Brooke’s Point, Palawan.
Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga suspek na sina Omart, 33 taong gulang na binata mula sa Puerto Princesa, at si Wena, 33 taong gulang na may asawa at residente ng Barangay Rio Tuba sa Bataraza, Palawan, parehong mga negosyante.
Sa isinagawang body search, nakuha kay Omart ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, kasama ang nabiling mark money mula sa nagpanggap na pusherbuyer, at isang libong piso.
Bukod dito, sa loob ng kanilang sasakyan ay nakuha rin ang limang sachet ng hinihinalang shabu.
Kaakibat nito, hinaharap ngayon ng mag-kasintahan ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.