Lalaki nagpaputok ng lisensyadong baril, arestado!

Arestado si RECARDO LLADO GUZMAN dahil sa pagpaputok ng baril sa Purok Masagana, Brgy. San Jose, Puerto Princesa City, bandang 12:15 ng tanghali ng Hulyo 22, 2024.

Ang suspek na 58- anyos ay nahuli matapos iulat sa Tactical Operation Center ng PPCPO ang ginawa nito.

Sa ulat ng PPCPO, bago siya mahuli, may nag-report sa Police Station 2 na may lalaki umano na nagpaputok ng baril sa nabanggit na lugar.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Ayon sa imbestigasyon, nasaksihan ang suspek at kapatid nitong si GIL LLADO GUZMAN na nagduduwal sa harap ng isang bahay, na may dala-dalang hindi maipaliwanag na kalibre ng baril, ay nagpaputok patungo sa langit, na nagtulak sa testigo para humingi ng tulong sa Police Station 4.

Nahaharap sa Alarm at Scandal at illegal possession of firearm ang suspek matapos na hindi nito maipakita ang kinakailangang dokumento para sa baril habang inihahanda ang pagsasampa ng mga kaso sa tanggapan ng prosecutor.

Read More:  Top NPA leader killed in Surigao del Sur encounter

“Ang may ari po Ng baril ay si Gil Guzman Ang nagpaputok po ay yong Kapatid nya na si Recardo Guzman..May lisensya po baril ni Gil pero ginamit ni Recardo (not authorized to use firearms) which is a violation of RA 10591”- PPCPO