NAGA CITY- Pabugso-bugsong pag-ulan at malakas na hangin ang naramdaman sa Camarines Sur nitong nagdaang araw at pati na rin kahapon, ayon sa PAGASA, pinalakas ng Bagyong Carina na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang hanging habagat.
Ayon kay Typhoon Specialist Mike Padua, ang pagbugso ng hangin na umaabot sa 45 hanggang 60 kilometer per hour (kph) ay maaaring makapagpatumba ng puno tulad nang nangyari sa Sagñay at Goa.
Ibayong pag-iingat ang payo nito para sa mga nasa binabahang lugar, landslide prone areas. Kahit na walang nakabanderang gale warning sa lalawigan, pinag-iingat pa rin ang mga may maliliit na sasakyang pandagat.