Magkapatid na suspek umano sa serye ng robbery sa South Cotabato, huli sa Sultan Kudarat

KORONADAL CITY — ARESTADO ang dalawa katao na suspek sa iba’t-ibang insidente ng pagnanakaw, snatching at hold-up sa isinagawang checkpoint ng mga kapulisan sa bayan ng President Quirino Sultan Kudarat.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Police Lt. Godofredo Tupas II, deputy chief of police ng President Quirino PNP, kinilala nito ang mga suspek na sina Alvin Baud Empa, 23 anyos at Argie Baud Empa, 21 anyos, magkapatid at kapwa mga residente ng Pandag, Maguindanao.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ayon kay Tupas, na nahuli ang nasabing mga suspek sa isang checkpoint matapos na aksidenteng nakitaan ng baril sa u-box ng kanilang motorsiklo habang nakuhaan naman ng granada ang isa sa mga ito.

Nadiskubre naman ng mga kapulisan na suspek ang mga ito sa mga nagyayaring krimen sa South Cotabato matapos ang kanilang pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang mga kapulisan sa mga bayan ng Tampakan, Tantangan, Tupi at lungsod ng Koronadal.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Sa ngayon nasa kustudiya na ng Pres. Quirino PNP ang mga suspek habang hinahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito.

Panawagan naman ng opisyal sa mga naging biktima ng mga suspek na makipagtulungan sa kanila para sa dagdag na mga kasong isasampa laban sa mga nahuli.