Volume ng gravel and sand na kinukuha sa paanan ng bulkang Mayon, nasa 89%

LEGAZPI-Lumalampas na umano ang mga quarry operators ng Albay sa dapat sanang volume ng gravel and sand na kinukuha sa paanan ng bulkang Mayon sa Albay.

Ayon kan Mines and Geo Sciences Bureau Regional Director Danny Molina, lumalabas sa kanilang record na ang lalawigan ng Albay ang nangunguna sa Bicol Region ang may pinakamaraming quarry sites na may permit na umabot 114 at pinakamababa naman ang lalawigan ng Masbate na may 4 lamang.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Samantalang nilinaw rin ni Molina na sa isyu ng paramihan ng inilabas volume ng gravel and sand, pinakmataas pa rin ang lalawigan ng Albay na umabot sa 89%.

Isa sa nakita nilang problema ay ang hindi nasusunod na volume nito na dapat lamang I quarry sa isang araw.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Aniya, out of 114 na quaary operators sa Albay, 98 dito ang nakikiusap at nagrequest ng geological assestment at karamihan ang hindi sang ayon sa MGB.

Sa ngayon, patuloy ang assestment sa mga bayan na nagrequest na rin ng site inspection para makabalik na rin ang operasyon.