Dialysis treatment center ng So.Cot, may license to operate na

KORONADAL CITY- INISYUHAN na ng License to Operate ng Department of Health o DOH ang South Cotabato Dialysis Treatment Center na nasa compound ng South Cotabato Provincial Hospital.

Dahil dito, asahan na ng mga mamamayan ang nalalapit na pagbubukas at operasyon nito para sa libreng pagpapa-dialysis ng mga mahihirap na mga pasyente na mayroong renal failure.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Napag-alaman na naglaan ang provincial government ng P 1.3 million para sa construction ng dialysis center building at P 10 million sa pagbili ng 10 mga dialysis machines at iba pang kagamitan.

Read More:  2 reported dead as Inday-enhanced monsoon hits Mindanao

Samantala, plano din ni Governor Reynaldo Tamayo Jr na maglagay ng dialysis center sa bayan ng Polomolok at Norala.