Kasama ang kanilang legal counsel, boluntaryong sumuko ang magkapatid na may kinakaharap na kasong arson sa bayan ng Irosin.
Kinilala ng mga ito na sina Roniel Endaya Guban, 37-anyos at kapatid nito na si Fidel, 49-anyos kapwa auto painter at kapwa residente ng Brgy Cogon ng nasabing bayan.
Ang magkapatid ay may standing warrant of arrest sa nasabing kaso kung saan ang RTC Br55 Irosin, Sorsogon ay hindi nagtakda ng piyansa.
Matapos ang pagsuko, isinilbi ng Irosin Police ang kanilang warrant of arrest at pormal na ipinaalam sa kanila ang uri ng kanilang pagkakasala na isinampa laban sa kanila.
Nag-ugat ang kaso ng dalawa noong taong 2008.
Ang magkapatid ay ibinalik na sa kanilang court of origin at hinihintay na lang ng Pulisya ang disposisyon ng korte.
