Brgy. San Jose, Malilipot, Albay, nanguna sa ‘Lupong Tagapamayapa’ incentives award

LEGAZPI CITY – Kinikilala at ipinapaabot ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Bicol ang kanilang pagbati sa mga nagwagi sa ‘Lupong Tagapamayapa’ Incentives Awards (LTIA) sa Bicol Region para sa taong 2023.

Ayon sa DILG, nakuha ng Brgy. Jose, Malilipot, Albay ang rank no. 1 sa nasabing parangal sa kategoryang 4th to 6th municipality.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Ang City, 1st to 3rd class, at 4th to 6th class municipality ay makakatanggap ng nararapat na pagkilala para sa titulo, at ang rank 1 sa bawat kategorya ay mga regional winner na ieendorso sa LTIA National Level.

Samantala, rank no.2 naman sa kaparehong parangal ang Brgy. San Isidro ng Talisay, Camarines Norte at rank no. 3 ang Brgy. Monserrat sa Magarao, Camarines Sur.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Nakahanay sa Memorandum Circular No. 2023-022, ang mga barangay na ito ay na-validate ng LTIA Regional Awards Committee na binubuo ng DILG, DOJ, PNP, at mga kinatawan ng Civil Society Organization (CSO) mula sa Gayon Cares, Inc.