Magkahiwalay na sunog, naganap sa QC at Rizal

Nasunog ang isang commercial at residential building sa Teacher’s Village Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-diyes ng gabi sa ground floor ng establisyemento.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Tumagal ito ng mahigit isang oras at wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Tinatayang aabot sa P800K ang danyos ng ari-arian na naging naabo.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Samantala, sampung bahay naman ang natupok ng apoy sa Binangonan, Rizal.

Halos isang oras ding tumagal ang sunog at isang fire volunteer ang naiulat na nasugatan.

Apektado ang 17 na pamilya sa naturang insidente at pansamantala silang nanunuluyan sa kalapit na chapel ng barangay.