Magbiyenan sa Kalinga, nabistong may pagawaan ng marijuana oil

Bistado ang magbiyenan sa Rizal, Kalinga na mayroong pagawaan ng marijuana oil at bricks matapos ang isinagawang search warrant Rizal Police Station sa bahay mismo ng mga ito.

Ang magbiyenan na hindi na pinangalanan pa ay 22-anyos at 45-anyos kung saan sila ay mga newly identified High Value Target na nagbebenta ng kanilang prosukto sa Kalinga at kalapit na bayan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Aabot sa 29.3 kilos ng marijuana bricks, 400 ml na bote ng marijuana oil at dried marijuana leaves ang nasabat na nagkakahalaga sa kabuoan ng P3.4 million.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Napag-alaman na nagtatrabaho ang dalawa sa Tinglayan, Kalinga bilang mga construction worker kung saan sila nagpupuslit ng marijuana leaves at idinadala sa kanilang bahay upang iproseso.

Naisampa na laban sa magbiyenan ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.