Kabataang edad 10-19, manginginom na

Lumalabas sa datos ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute na ang mga kabataang edad 10 hanggang 19 ay manginginom nan g alak.

Batay sa datos, humigit kumulang 13.2% ng mga Pilipino sa nasabing age group ay umiinom na ng alak kung saan 16.1% ay mga lalaki habang 10.4% naman ay mga babae.

Nasa 51.4% naman ang lumabas na nakikisama sa binge drinking o pag-inom ng hindi bababa sa limang bote o baso.

Dahil dito, nakakabahala na umano ang pagtaas ng bilang ng alkoholismo ng mga kabataang Pilipino.

Ipinaalala naman ng World Health Organization na ang pag-inom n gala ang isa sa dahilan ng panganib sa maagang pagkamatay at pagkakaroon ng kapansanan ng mga nasa edad 15-49.

Una nang inihain noong July 11, 2022 ang House Bill No. 1753 o Anti-Underage Drinking Act na naglalayong itaas ang legal na edad ng mga maaaring uminom ng alak upang malimitahan ang mga kabataan sa pag-inom.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *