Magandang relasyon ng mga Nagueño at mga Tsino, napapanatili sa kabila ng mga isyu sa West Philippine Sea

NAGA CITY- Napapanatili ang magandang relasyon ng mga Nagueño at mga Tsino’t Chinoy sa kabila ng mga isyu sa West Philippine Sea, ito ay ayon sa isang opisyal.

Malaki ang ambang ng mga negosyanteng intsik sa pag-angat ng Barangay Igualdad ayon kay Kapitan Angelo Bendiola. Bukod aniya sa buwis , hindi rin nawawala ang mga Chinoy sa pagkakawang gawa. Tulad na lamang ng pagbibigay ayuda sa mga pamilyang biktima ng sakuna.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Kung ano aniya ang serbisyo para sa ordinaryong mamamayan, gayun din para sa naturang lahi halimbawa sa seguridad, maayos na kalsada at iba pa.  Pina-igting aniya ang pagroronda ng mga tanod sa nasabing lugar kasama ang mga pulis. Pinalawak din ang road clearing operations.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Pagbibigay diin ni Bendiola, nakikita niya ang kooperasyon ng bawat grupo , pinalalalim din ang relasyon ng mga opisyal sa residente man o negosyante.