Magandang huli ng alamang at alimango sa Camarines Sur ngayong tag-ulan, inaasahan

CAMARINES SUR – Inaasahan sa bayan ng Cabusao sa Camarines Sur ang magandang huli ng alamang at alimango ngayong tag-ulan.

Ito ang masayang ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Municipal Agriculture Officer Engr. Joey Moral, dahil inaasahan ang maganda at masaganang huli, asahan din aniya ang mababang presyo nito. Ngunit pinangangambahan pa rin na tumaas ang presyo ng ilang isda dahil sa posibleng pagbaba sa bilang ng mga huli nito. Dagdag pa ng opisyal, normal ang ganitong sitwasyon dahil nakadepende rin ito sa panahon.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval
Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Maliban sa ganitong mga dahilan, isa pa sa nagiging problema nila ay ang mga mangingisdang hindi sumusunod sa patakarang dapat direkta nilang ibinabagsak ang mga huli sa fishing port upang mamonitor ng agriculture office ang supply at presyo nito nang maiwasan na rin ang overpricing.