Nagtamo ng minor injury ang apat (4) na pasahero habang ligtas naman ang anim (6) na iba pa nang maaksidente ang isang pampasaherong van sa National Highway ng Sitio San Dionisio, Brgy. Malcampo, Roxas, Palawan bandang alas-dos ng hapon nang Lunes, ika-3 ng Hunyo.
Ang driver ng van ay kinilala ng PNP na si Mr. Mervin Balutan Cerrera, 43 -anyos at walang ipinakitang driver license.
Sa imbestigasyon ng PNP, mula sa Puerto Princesa City ang van at patungo sana sa Bayan ng El Nido, Palawan nang mag-overshoot ito sa kurbadang bahagi ng daan bago tumagilid.
Ayon sa PNP, Ito ay nangyari dulot ng madulas na daan dahil na rin sa malakas na buhos ng ulan.
Samantala, agad na isinugod sa pagamutan ang mga sugatan habang patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.