Sumuko ang mag-asawang tinukoy na High Ranking Communist NPA Terrorist sa gobyerno noong ika-9 ng Nobyembre ngayong taon.
Kinilala ng 3rd MARINE BRIGADE ang mga sumuko na sina Rosalinda M. Palidan @Sandra, Political Instructor / Medical Officer at asawa nitong si Noel Ecto @Guiller, Assistant Platoon Leader / SPARU, sila ay kabilang sa pitong (7) CNT High Valued Targets (HVTs).
Ayon sa ulat, nag-AWOL ang mag-asawa sa kilusan noong November 6, 2021 mula sa Tinagong Patag (local name) sa Brgy Tinitian, Roxas, Palawan para sumuko sa Marine dahil umano sa hirap na pinagdaanan habang nasa hukbo.
Sinabi pa ng mga ito na nahirapan ang komunistang grupo pagdating sa pag-recruit ng tauhan dahil sa pinagting na Community Support Programs (CSP) at suporta ng Task Force-ELCAC sa komunidad.
Dahil sa magandang resulta ng pinaigting na programa ay labis na nagpapasalamat si Col Jimmy D Larida PN(M)(GSC), Commander ng 3rd Marine Brigade atthe Joint Task Force – Peacock sa iba’t ibang sector , Provincial Task Force – ELCAC, mga opisyal ng baranggay at mamamayan.
Samantala, muling nanawagan ang opisyal sa mga nalalabi pang miyembro ng teroristang grupo na isuko ang mga sarili at armas at maniwala sa mga programang inihanda sa kanila ng pamahalaan upang makapagsimulang muli ng buhay.
📸 Brigada Agila