Mag-asawang galing Batangas, naglakad patungong Ilocos Norte

Naglakad mula Batangas hanggang sa Ilocos Norte ang isang mag-asawa bilang bahagi ng kanilang target na makapag lakbay ng kabuuang 5,000 kilometers.

Inumpisahan nina Mira at Jay Abrera ang paglalakad noong Disyembre pa, kasama ang kanilang kariton kung saan nakalagay ang kanilang mga damit, gamit at pagkain.

Kahit na patuloy ang kanilang paglalakbay, nagpapahinga pa rin ang mag-asawa sa gabi at nakakapag simba pa sa tuwing linggo.

Saad ng dalawa, gusto lamang nila maipakita sa mundo na huwag ipagpaliban ang mga goals o layunin sa buhay.

Sa ngayon, patungo ng Cagayan ang dalawa.