Mag-amang mangingisda na napadpad sa Sorsogon, ligtas nang nakauwi sa kanilang pamilya

Ligtas nang nakabalik sa kanilang pamilya ang dalawang mangingisda mula sa Rapu-Rapu, Albay na napadpad gabi noong Disyembre 29, sa Barangay Dapdap, Bulusan, Sorsogon.

Kinilala ng Bulusan MPS ang mag-ama na sina Allen Ebuenga Velando Sr., 42-anyos at Allen Ebuenga Jr., 22-anyos.

Dakong alas 9:00 ng umaga kahapon, Disyembre 30  ay naihatid na sa Pier ng Bacon District, ang mag-amang mangingisda ng PDRRMO at MDRRMO.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Agad namang sinalubong ng PNP Rapu-Rapu at PCG Rapu-Rapu ang mga ito at sinamahan pauwi sa kanilang pamilya.

Nagpasalamat naman ang nasabing mga ahensya sa lahat ng mga tumulong mula sa Sorsogon, dahil sa nakauwi ng ligtas ang mag-ama.

Dakong alas 10:30 ng umaga kahapon nang makarating sa kanilang bahay ang mag-ama.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kung babalikan, ang dalawang mangingisda ay napadpad sa nasabing barangay dakong alas 8 ng gabi noong Disyembre 29, agad itong iniligtas at tinulungan ng Kapitan ng nasabing barangay.

Sa utos ng alkalde ng bayan na si Michael Guysayko, ay agad kumilos ang PNP at MDRRMO upang mabigyan ng atensyon ang dalawang mangingisda.