Sinelyuhan ng pamunuan ng BJMP-Masbate at Masbate City Jail ang nguso ng baril ng kanilang tauhan bilang simbolo ng kanilang pangako sa publiko laban sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa Bagon Taon.
Kasabay nito ang pagbigay ng paalala sa mga tauhan na maging mapagmatyag at mag-ingat sa paggamit ng kanilang service firearms. Tiyakin na ang mga ito ay malinis, magagamit at may require basic load na bala.
Dagdag pa, upang maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na pangyayari at bilang paghahanda para sa pagsasaya sa Bagong Taon.
Ang taping at sealing of firearms ay pinangunahan ng Chief, Operations Division na si JINSP Chona Seno kasama ang warden ng Masbate City Jail na si JSINSP Marbend Cortes.
Sa mga nakalipas kasi na taon, ilang ligaw na bala ang naging dahilan ng pagkasugat o pagkamatay ng ilang katao dahil sa ilang tiwaling indibidwal na nagpapaputok ng baril sa ere upang ipagdiwang at salubungin ang Bagon Taon.
