Mababakunahan laban sa COVID-19 aabot sa 4-M bago matapos ang Mayo

Posibleng umabot sa 4 million na mga Pilipino ang maturukan ng COVID-19 vaccine bago matapos ang buwan ng Mayo.

Ayon kay National COVID-19 Vaccination Operations Center Chairperson, Usec. Myrna Cabotaje, sa ngayon nasa 3.7-million indibidwal na ang nababakunahan sa buong Pilipinas.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Mas mataas umano ito sa inaasahan nilang 3-million lamang para ngayong buwan.

Inihayag ni Cabotaje na dahil sa pagdating ng suplay ng mga bakuna at unti-unting pagtaas ng tiwala ng publiko sa COVID-19 vaccines kung kaya’t tumaas sa 135,000 ang average vaccinations per day na kanilang naisasagawa.

Sinabi naman ng opisyal na sa ngayon priority pa rin sa supply ng bakuna ang nasa NCR plus 8 subalit may ilang lugar sa bansa na humihingi rin ng supply ng vaccine para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Nananawagan naman si Cabotaje sa publiko na huwag nang magdalawang isip na magpabakuna sa kanilang itinakdang panahon at magtulong-tulong lahat upang mawala na ang pandemya.