CAMARINES SUR- Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang La Niña Alert.
Ayon sa weather beareau, 70% ang tiyansa ng La Niña sa Agosto-Setyembre-Oktubre. Kasunod nito , ipinayo ni Bula Municipal Agriculture Officer Joel Serrado na magtanim na upang hindi na abutin pa ng peak nito at maiwasan ang pinsala sa mga pananim lalo na sa palay. May mga nahuli pa kase dahil sa pagkatuyo ng lupa nitong El Niño noong mga nagdaang buwan.
Dagdag ng opisyal maayos naman ang mga riprap kaya umaasang hindi malulubong sa baha ang mga taniman.
Samantala, simula ngayong araw magkakaroon ng profiling sa mga magsasaka sa bayan na mayroong makinarya para sa fuel subsidy mula sa Department of Agriculture.