Lungsod ng Ligao sa Albay, balik pink zone status na sa ASF – Albay Vet. Office

LEGAZPI CITY – Balik pink zone status na ang lungsod ng Ligao sa Albay matapos makapagrehistro ng isang (1) kaso ng African Swine Fever (ASF) ayon mismo kay Albay Veterinary Office (AVO), Provincial Veterinarian, Dr. Pancho Mella.

Ayon kay Mella, ang kumpirmasyon umanong ito, ay dahil wala na rin umanong naitalang kaso o nagpositibo sa nasabing virus sa nasabing lungsod, matapos ang kanilang isinagawang surveillance at mass testing sa mga alagang baboy mula sa mga barangay ng Ligao.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Kung matatandaan, nagsagawa ng serye ng mass testing sa lungsod ang nasabing opisina upang matiyak na hindi na kumalat pa ang ASF.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Sa ngayon, patuloy ang pagpaalala ng AVO sa mga nag-aalaga ng mga baboy na maging mas maingat sa pagpaplabas-pasok sa mga kulungan ng baboy dahil maaari umanong nagdadala rin ang mga ito ng virus tuwing bumibisita sa mga babuyan.