LTO, ilalabas ang show-cause order sa tumakas na driver na may protocol plate “7”

Maglalabas ng show-cause order ang Land Transportation Office laban sa driver ng tumakas na SUV na may protocol plate “7” nang sitahin ito dahil dumaan sa EDSA busway sa kahabaan ng EDSA-Mandaluyong kaninang umaga.

Pinara ng mga operatiba ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang itim na SUV pero nang ibigay ng driver ang kanyang lisensya ay bigla na lang itong nagmaneho paalis.

Ayon kay Jonathan Gesmundo, executive assistant to the transportation secretary, tinitingnan nila ang applicable sanctions at penalties dahil sinuway nito ang paggamit ng bus way.

Dagdag pa ng opisyal, walang magiging special treatment at bukod sa disregarding traffic rules, pinag aaralan na rin nila kung ano pang parusa ang ipapataw sa driver.

Ang protocol plate na “7” ay naka-assign at para lamang sa sasakyan ng mga senador at tanging ang sasakyan lamang ng senate president ang pinapayagang dumaan sa exklusibong bus way at hindi ang iba pang sasakyan ng mga senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *