LTO, bumuo ng grupo kontra colorum at carpooling sa Central Luzon

Tututukan ng Land Transportation Office ang panghuhuli sa mga colorum na sasakyan na bumibiyahe sa Zambales, Olongapo at mga karatig probinsya.

Ito ay makaraang umalma ang ilan sa mga transport group na nawawalan o lumiliit ang kita dahil sa dumaraming sasakyan na ginagamit sa pangu-ngolorum at carpooling.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Matatandaan, sinabi ni Alex Briones, operations manager ng isa sa mga bus company sa bansa na dapat tutukan ng pamahalaan ang panghuhuli sa mga colorum na malayang nakakabiyahe kahit naka-ecq ang Metro Manila at ibang probinsya.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Ayon kay LTO Region 3 Dir.Ed De Guzman, nakahanda na ang team na binuo ng opisina para umpisahan ang kampanya kontra carpooling at colorum sa Central Luzon pero sinadyang hindi idetalye ang paraan ng panghuhuli.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text