LEGAZPI-Kasabay ng pagsisimula ng 10 years validity sa driver’s license sa buong Bicol Region sa susunod na linggo, November 16, isa sa inaalala ng mga drivers ang babayaran para sa comprehensive drivers education, isa sa requirement sa pag renew ng lisensya.
Ayon sa Land Transportation Office Regional Office V, magsasagawa sila ngayon ng libre 5 oras na lecture seminar para sa CDE.
Una, magtungo umano sa opisina ng LTO na may Driver’s Education Center (DEC) at magpalista.
Ikalawa, ang aplikasyon ay dadaan sa verification upang masiguro na ang lisensya ay tunay at due for renewal na.
Ikatlo, antayin na ma-contact ulit ng LTO para sa iyong schedule.