Mas mababa sa 20pesos kada kilong bigas nabibili ng mamamayan sa Botolan

Tuloy muli ang Rice Subsidy Program ng Botolan, Zambales para sa mamamayan nito.

Ito ay ang pagbebenta ng murang bigas na mabibili sa halagang isandaang piso lamang ang kada anim na kilo.

Ayon kay Mayor Jun “Omar” Ebdane, magpapatuloy ang programang Diskwentong Bigas sa kanilang bayan bilang tulong na rin ng Lokal na Pamahalaan lalo na sa mahihirap na residente.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Dati sa halagang isandaang piso ay limang kilo lamang ang nabibili pero ngayon ay ginawa na itong anim na kilo.

Sinimulan ito sa bayan may dalawang taon na ang nakakalipas sa ilalim pa ng pamunuan ni dating Mayor Bing Maniquiz na ngayon ay kongresista na ng ikalawang distrito ng Zambales na ipinagpatuloy naman ngayon ni Mayor Ebdane.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Samantala, nagbibigay naman schedule kada barangay ang LGU sa paghahatid ng mas murang bigas.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Mayor Jun Omar Ebdane