LTFRB, tututukan ang mga kolorum ngayong Undas, BSKE

Mas pinagtibay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Inter-Agency Task Force sa operasyon anti-colorum, sa gitna ng nalalapit na pag-uuwian ng mga tao sa probinsya para sa Undas at upang makaboto ng halalan.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Paliwanag ni LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, inaasahang magsisilabasan ang mga colorum na van tuwing maraming babiyahe pauwing probinsya.

Dahil dito ay magkakasa ng kanilang anti-colorum operations ang LTFRB, LTO, I-Act, at MMDA.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

May itatalaga na ring mga help desk kung saan maaaring lumapit ang publiko na nasa mga terminal ng pampublikong transportasyon.

Samantala, simula noong October 12 ay nakapag-deploy na ng kanilang tauhan ang LTO, at magtatagal ang naturang deployment hanggang unang linggo ng Nobyembre.