Pangulong Marcos kinilala ang pitong dekadang legasiya ng Federation of Free Farmers

Dumalo si Pangulong Bongbong Marcos sa selebrasyon ng ika-70 taong anibersaryo ng Federation of Free Farmers o FFF ngayong araw.

Sa mensahe ng Pangulo, kinilala nito ang pitong taong legasiya ng FFF at hinimok nito ang mga myembro na patuloy na itaguyod ang kanilang misyon na suportahan at bigyang lakas ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Muli ring binigyang diin ni Pangulong Marcos na prayoridad nito ang pagpapalakas ng agriculture sector dahil matagal anya itong napabayaan.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Kabilang dito ang pagpapalakas sa agricultural productivity, pag garantiya sa supply ng pagkain, pagiging abot kaya ng mga pangunahing bilihin at pagbabawas sa pagiging dependent ng bansa sa importasyon.

Gayundin ang pagsusulong ng mga patakaran at pagbibigay ng proteksyon sa kapakanan ng mga magsasaka, mangingisda, manufacturer at mga mamimili.