Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga tsuper at operators na balak magsagawa ng malawakang tigil-pasada na posible itong masuspende at matanggalan ng prangkisa.
Ayon kay LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion dapat alalahanin ng mga ito na ang prangkisa ay isang pribilehiyo at hindi karapatan, at may may mga rules and regulations na dapat sundin.

Binigyan diin ni Cassion na may proseso ang hiling na dagdag pamasahase katulad ng paghahain ng petition for fare increase.
Sinabi ng opisyal na kasalukuyang pino-proseso ng LTFRB ang petition ng ilang transport groups na humihingi ng 5 pesos fare increase at pisong dagdag sa unang kilometro.
Magkakaroon umano ng pagdinig dito ang LTFRB sa Marso 8, kung kaya’t dapat hintayin ng grupo ang paggulong ng proseso at hindi agad mag-resort sa tigil-pasada kung saan tiyak na maaapektuhan ang mga commuters.