Pansamantalang itinigil ng Supreme Court ang substitution bid ni P3PWD Partylist nominee at dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon.
Inilabas ng Kataas-taasang Hukuman ang temporary restraining order (TRO), bilang tugon sa petisyon na inihain ni Duterte Youth Partylist Rep. Ducielle Marie Cardema at asawa nitong si Ronald.
Mababatid na nagbitiw ang lahat ng limang orihinal na nominees ng P3WPD Partylist, at nagsumite sa poll body ng bagong set ng mga pangalan, kabilang si Guanzon.

Ang naturang grupo ay nakakuha ng isang pwesto sa upcoming 19th Congress.
Samantala, binigyan naman ng SC si Guanzon at ang Comelec ng 10 araw para magkomento sa naturang petsisyon. //MHEL PACIA