Posibleng masibak sa serbisyo si Lt. Col. Santi Mendoza matapos isiwalat ang pagkakadawit sa Barayuga murder case sa House Quad committee.
Ayon kay PNP IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, maituturing na grave offense ang ginawa ni Mendoza na posibleng humantong sa summary dismissal.
Tatagal aniya ng 45 araw hanggang 60 araw ang pangangalap ng ebidensya ng PNP IAS tsaka magtutuloy sa formal proceedings at summary dismissal proceedings.
Maalalang isinangkot din ni Mendoza ang mga matataas na opisyal na sina NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo at dating PCSO General Manager Royina Garma sa pagpatay kay Barayuga.