LPA – may mababang tiyansang maging Bagyong ButchoyPH

Naka-monitor pa rin ang PAGASA sa LPA sa silangang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa PAG-ASA, huling namataan ito sa layong 310 km east southeast of Surigao City, Surigao del Norte.

Dala nito ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas, Caraga, and Davao Region na posibleng maging dahilan ng flash flood o landslide.

Apektado rin nito ang bahagi ng Metro Manila, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Cavite, Batangas, Bataan, at Occidental Mindoro kaya posibleng magkaroon ng katamtaman hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Hindi naman inaalis ng PAGASA ang posibilidad na maging ganap na bagyo ito.

Sakali mang mag-develop bilang isang sama ng panahon – tatawagin itong Bagyong ButchoyPH – ang ikalawa pa lang na bagyo sa taong 2024.

Sa ngayon, sinabi ng PAGASA na mas mataas pa rin ang tiyansa na manatili ito bilang isang LPA sa mga susunod na araw.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa kabila niyan – Southwest Monsoon pa rin ang nakakaapekto sa western sections ng Southern Luzon, at Mindanao.

Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Palawan dahil sa southwest monsoon.

Sa natitirang bahagi ng bansa, posibleng maging mainit ngayong tanghali, habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pag-kulog pag-kidlat ang maaaring maranasan lalo na sa hapon at sa gabi dahil yan sa Localized Thunderstorms.