NCR – ‘virtually champion’ na sa Palarong Pambansa 2024; Mahigpit na seguridad – kasado na para sa closing ceremony

Nakatakdang ipasara ang mga kalsada sa palibot ng Cebu City Sports Center kasabay ng isasagawang closing ceremony ng Palarong Pambansa 2024 mamayang hapon.

Ayon sa Cebu City Transportation Office, na temporaryo silang magpapatupad ng closuse simula mamayang alas-3 ng hapon sa Osmeña Blvd. mula sa Fuente Osmeña Circle hanggang sa P. del Rosario o Abellana Nat’l School na siyang pinakamalapit sa Venue ng aktibidad hanggang sa R. Landon Street, R. landon Extension at Ong Kin King Drive na siya namang magsilbing exclusive entry at exit sa mga opisyal at delegado sa Palaro.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

All-set na rin ang ipatutupad na security measures sa loob at labas ng sports Center dahil sa inaasahan na pagdalo ng iilang mga mataas na opisyal sa bansa.

Una nito, inihayag ni Francis Cesar Bringas na siyang Assistant Secretary ng Department of Education, na dadalo sa closing ceremony sa Palarong Pambansa 2024 si Vice President Sara Duterte.

Nalaman na nakikipag-ugnayan na umano ang tanggapan ni VP Duterte sa pulisya sa lungsod ng Cebu para sa seguridad ng bise presidente.

Dadalo rin umano sa closing ceremony mamaya si Ilocos Governor Mat Manotoc dahil ang Ilocos ang susunod na maging host sa Palarong Pambansa 2025.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nalaman na base sa PALARONG PAMBANSA 2024 MEDAL TALLY REPORTING SYSTEM Partial at Unofficial result, na nasa 99.76% na hanggang alas 10:30 kanina, ‘virtually champion’ na ang National Capital Region na nakakuha ng 97 gold medal, 66 silver at 74 bronze.

Nasa ikalawang pwesto ng Region IV‑A-CALABARZON, ikatlo ang Region VI-Western Visayas, 4th place ang Region XI-Davao Region, at nakapasok sa ika-limang pwesto ng Region 7 na Central Visayas. (with reports from AIRES ATUEL DEPOSITARIO – 90.7 BNFM CEBU)