Low testing output: Muling pagsasagawa ng active case finding, isinusulong

Nanawagan si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa mga local government at health officials na muling magsagawa ng active case finding.

Ito ay sa harap na naoobserbahan nito ang pagbaba ng testing output sa nakalipas na linggo.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Ayon kay Vergeire, kailangang muling mahanap ang mga taong may sintomas o di kaya nagiging exposed sa mga may sakit para ma-i-pa-test sila at tumaas pa uli ang laboratory outputs.

Maliban dito, iginiit rin ni Vergeire ang papel ng testing sa pagdetect ng bagong Omicron variant ng coronavirus.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Matatandaan na sinuspende ng gobyerno ang mga flights -maliban sa mga nagdadala ng Filipino repatriates – mula sa mga bansang may napaulat ng Omicron cases, bilang preemptive measure laban sa variant of concern.