Nagtala ang Department of Health ng 603 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa pa ang kabuoang tally nito sa 2,834,775.
Dahil sa mga bagong kaso, nasa 13,853 pa ang active case count, kung saan 5,532 ang mild, 1,270 ang asymptomatic, 2,410 ang severe, at 738 ang nasa kritikal na kondisyon.
Ayon sa DOH, tanging 1.8% mula sa 35,950 individuals na tenest ang nagpositibo para sa COVID-19 noong December 3.

Samantala, tumaas naman ang total recoveries sa 2,771,536, matapos gumaling ang 1,047 pang pasyente mula sa viral disease, habang ang death toll ay umakyat sa 49,386 dahil sa 156 na mga bagong fatalities.