Natl vaxx drive ‘huge success’, 9.9M doses naibigay — DOH

Tinawag ng Department of Health na malaking tagumpay ang vaccination drive ng gobyerno laban sa COVID-19, sa gitna na mahigit 9.9 million Filipinos ang nakatanggap ng kanilang COVID-19 shots.

Ayon kay Health Undersecretary. Maria Rosario Vergeire, nalampasan kasi nila ang target na siyam na milyong indibidwal na mababakunahan sa 9.9-M

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na mayroon sila ‘highest jab for a day’ na 2.82 million jabs.

Pagbabahagi ng opisyal, na mula Nov. 29 hanggang Dec. 3, nakapagbakuna ang gobyerno ng 9,937,827 COVID-19 vaccine doses.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Mababatid na ang itinakdang national vaccination drive na mula Lunes hanggang Miyerkules ay napalawig ng dalawa pang araw, matapos maabot lang ang walong milyong shots.

Samantala, may second wave pa ng mass immunization drive na itinakda naman sa Dec. 15 hanggang 17.