Long covid, maaaring maranasan ng mga naka-recover na sa covid-19 – DOH Bicol

Legazpi City – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Bicol na maaaring makaranas ng long covid ang mga taong naka-recover na sa naturang sakit.

Sa pahayag ni Bicol Regional Epidemiology Surveillance Unit Nurse 5 Kenn S. Nuyda, maaari pa rin itong maramdaman ng isang indibidwal na naka-recover na sa COVID-19 matapos ang labing-apat hanggang dalawampu’t isang araw at maaaring umabot hanggang dalawang buwan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Aniya, maaari makaranas pa rin sila ng mga karaniwang sintomas katulad ng ubo, pananakit o paninikip ng dibdib, hirap sa paghinga at mayroon ding pananakit ng mga kasu-kasuan.

Sinabi ni Nuyda, kung nagkaroon ng long COVID ay maaaring bumalik sa mga health practitioners upang magpakonsulta kung ano ang sanhi, o kung maaaring may komplikasyon maliban sa COVID upang mabigyan ng agarang lunas.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Dagdag pa nito, upang makaiwas sa COVID o long COVID, nararapat pa ring gawin ang mga minimum public health standards tulad ng pag-iiwas sa maraming tao at sa mga non-essential na mga pagtitipon kung maaari.