Limited face-to-face classes, aprubado na

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes sa mga lugar na mayroong minimal risk ng COVID-19 infection.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang naturang mga lugar ay tutukuyin ng Department of Health at ng Department of Education.

Nilinaw naman ng Palasyo na ang in-person classes ay hindi gagawin ng daily basis, sa halip ay “half a day every other week.”

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Dagdag ni presidential spokesman Harry Roque, kailangang may suporta ng local government units sa pamamagitan ng resolution o letter of support at kinakailangang mayroong written support at pahintulot ng mga magulang.

Samantala, welcome sa Department of Education ang naturang development.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, sa ilalim ng approved guidelines, sa ilalim ng Kindergarten classes ay mayroon lang 12 estudyante, habang ang Grade 1 hanggang 3 classes ay magkakaroon ng 16 estudyante, at ang technical vocation classes, ay 20 mag-aaral.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Dagdag ni Briones, ang klase mula Kinder hanggang Grade 3, ay magtatagal lang ng maximum na tatlong oras.

Kaugnay nito, ang DepEd ang tutukoy sa mga lugar kung saan gagawin ang limited face-to-face classes.

Samantala, ang adjustment sa setup ay tutukuyin batay sa periodic risk assessments.