Lolo patay, dalawang apo sugatan sa dynamite fishing

SORSOGON CITY –  Patay ang isang 57 anyos na lolo habang sugatan naman ang dalawang menor de edad na apo nito matapos ang nangyaring pagsabog ng dinamita habang nangingisda sa karagatan na sakop ng Brgy.  Jintotolo, Balud, Masbate.

Kinilala ang mga biktima na sina Jaspar Aganan Balasabay at ang 16-anyos  at 13- anyos na mga apo nito, pawang residente ng nasabing lugar.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Batay sa ulat nangingisda ang mga biktima nang sumabog ang kanilang ginagamit na dinamita na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Balasabas at pagkasugat ng kanyang dalawang apo.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang mga sugatan ay agad na dinala sa Balud Municipal Hospital para sa atensyong medikal.

Sa ngayon ay nagpapapatuloy pa ang mga tauhan ng Balud MPS sa pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa insidente.