Kaso ng Covid-19 sa Sorsogon nanatili sa lima

SORSOGON CITY –  Nananatili pa rin sa lima ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon, matapos na walang naitalang positibo batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Provincial Health Office (PHO)-Sorsogon.

Sa ngayon ay nananatili sa dalawa ang positibong kaso sa bayan ng Gubat, habang tig-iisa naman ang mga bayan ng Matnog at Casiguran gayundin ang Lungsod ng Sorsogon.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sa kabuuan ay umaabot na sa 6,545 mga indibidwal sa lalawigan ang tinamaan ng nasabing sakit.

Kaugnay nito muling nagpaalala ang ahensya ng ibayong pag-iingat kasabay ng apela sa publiko na manatili pa ring sundin ang mga protocols upang hindi na madagdagan pa ang nasabing mga kaso.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Matatandaan na noong bagong taon nang matuldukan ang halos siyam na araw na pagiging covid – free ng lalawigan matapos na makapagtala ng tatlong positibong kaso.