Local transmission ng Omicron BA.5 subvariant, ‘very likely’ ayon sa DOH

Naniniwala ang Department of Health na hindi malabong nagkaroon na rin ng local transmission ng Omicron BA.5 subvariant sa bansa.

Unang kinumpirma ng DoH na nagpositibo sa mas nakahahawang variant na ito ang isang babae (late thirties; at isang lalaki (early fifties) sa Central Luzon.

Sa #LagingHanda press briefing, sinabi ni Health Underscratary Maria Rosario Vergeire na kung pagbabasehan ang linkage ng kaso, local case na ang dalawa at hindi nahawa sa labas ng bansa.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ang dalawang infected inviduals ay nagkaroon ng sintomas halos isang linggo matapos nilang bumoto sa isang polling precinct.

Matapos nilang mag-home isolation mula May 16-30, asymptomatic na ang dalawa at naka-rekober na.

Samantala, sa hiwalay na Viber message, muling nilinaw ng DoH na iba ang Community Transmission sa Local Transmission.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Masasabing mayroong local transmission kung na-detect ang isang kaso ng COVID-19 nang walang travel history – ibig sabihin, sa loob ito ng bansa nahawahan ng virus.

Ang community transmission naman ay maidedeklara lamang sakali mang mayroon nang malaking bilang ng mga nahawahan at hindi na ma-trace kung sinong contacts nito ang pinanggalingan ng virus.(GAB DALISAY)
#