SORSOGON CITY – Naaresto sa ikinasang checkpoint ng Gubat Police ang opisyal ng isang progresibong grupo na may kinakaharap na kasong 2 counts of murder, kung saan ang krimen ay nangyari halos magdadalawang taon na ang nakakaraan.
Kinilala ang akusado na si Jhen Doe Estiller, 23-anyos, dalaga, gumagamit ng mga alyas na Ka Rency, Ka Bebe at Ka Kathy.
Umano’y aktibong miyembro ito ng rebeldeng grupong NPA, Kalihim ng AMIHAN Bicol at Chairman ng AMIHAN Bicol Bulan Chapter, Instructor din ito ng Batayan Kurso ng Partido (BKP), Giya Pampulitika (GP).

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News Sorsogon sa hepe ng Gubat Police na si PMaj Christine Llorin, sinabi nito na naitimbre sa kanila ng Military Intelligence Company (MICO) ang presensya ng nasabing akusado na umano’y lulan ng motorsiklo at nasa kanilang AOR.
Agad na nagsagawa sila ng checkpoint at naharang nga nila ang nasabing indibidwal dakong alas 8:30 ng gabi sa Brgy Pinontingan ng nasabing bayan.
Ayon pa kay PMaj Llorin, si Estiller ay imbuwelto, dahil namataan umano ito sa nangyaring engkwentro noong Hulyo 30, 2020 sa Brgy Daganas sa bayan ng Bulan, Sorsogon. Sa nasabing engkwentro ay tatlo ang nasawi kasama na ang dalawang sundalo ng 22nd Infantry Battalion na sina Cpl Arnel Divinagracia at PFC Greyan Andus at isang rebeldeng babae na kinilalang si Jessica Altarejos, 19-anyos, residente ng Brgy