41 operasyong isinagawa ng PNP Bicol sa buong rehiyon, nagresulta sa pagkakaaresto ng 42 katao kabilang ang isang high value individual

LEGAZPI CITY – Patuloy na nakakakuha ng positibong resulta ang Police Regional Office 5 matapos ang mahigpit nitong pangako na tugunan ang problema sa iligal na droga.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) Bicol, naaresto ang 42 katao sa 41 ikinasang operasyon mula sa dalawang araw na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operatio. (SALCEO), kung saan kabilang dito ang isang high value na indibidwal.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Nakuha rin dito ang 73.579 gramo ng “shabu”; 1.662 gramo ng marijuana o katumbas ng mahigit sa P300,000.

Ginamit din ng unit ang multi-media bilang isang mabisang paraan ng pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa paggamit ng iligal na droga.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Nagsisilbi umano itong patunay ng masinsinang pagsisikap na mapigilan ang anumang uri ng droga na itinuturing bilang isang banta sa lipunan na humahadlang sa paglago, pagkakataon at pangkalahatang kapayapaan sa rehiyon.

Sa pamamagitan nito, ipinangako naman na patuloy pang palakasin ang mga pagsisikap at diskarte upang maisakatuparan ang ligtas at mas mapayapang komunidad.