Living facilities sa guro na pumapasok sa mga malalayong paaralan isinulong

Isinusulong ni Senador Sonny Angara na mabigyan ng maayos na living facilities ang mga guro na na kailangan bumiyahe ng malalayo para lamang makapasok sa paaralan.

Paliwanag ng senador matagal na niyang naririnig ang mga kwento ng mga teachers na umaakyat sa bundok o di naman kaya ay tumatawid sa mga ilog papunta sa mga eskwelahan kung saan sila nagtuturo.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Kaya naman iminungkahi ni Angara na magkaroon ng maayos na matutuluyan ang mga guro na malapit sa paaralan kung saan siya nakadestino.

Iginiit pa nito na kahit ngayong COVID-19 pandemic at wala pang face-to-face classes marami pa rin ang mga public school teachers ang bumibiyahe sa mga malalayong lugar para maihatid ang mga learning modules sa kanilang mga estudyante.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Nabatid na batay sa February 2019 report ng Philippine Institute for Development Studies sinasabi nitong maraming public school teachers ‘chronically’ overworked dahil sa dami ng teaching at nonteaching duties na pinapagawa sa mga ito.