CAMARINES NORTE- Namahagi ng livelihood starter kit ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAO) sa walumpung mangingisda noong nakaraang linggo.
Ang naturang Livelihood Starter Kit ay naglalaman ng Crab Pots (Bobo), Bottom Set Gillnets at Banca.
Ayon kay Municipal Agriculturist Harry James Felomino ang mga benepisyaryo ng livelihood starter kit ay nagmula sa mga Barangay ng Taba- Taba, Mangcamagong, Mampili, Mocong, Poblacion 1, San Jose, Angas at Hinampacan.
Sa Barangay Mangcamagong siyam ang nabigyan ng bottom set gillnets at apat naman sa Mocong.
Bottom set gillnets din ang ibinigay mga mangingisda sa Mampili, San Jose, Hinampacan, Taba- Taba at Poblacion 1.
Mayroon namang nabigyan ng bangka sa Barangay Bactas at Poblacion 1.
Habang sa Mampili ay nasa labindalawang mangingisda ang nakatanggap ng crab trap.
Ang mga ito aniya ang rehistradong mangingisda na hindi nakasama sa nabigyan ng cash at food subsidy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Tinyak naman ng LGU ang suporta sa mga magsasaka at mangingisda.
