Livelihood project ng DSWD sa ilalim ng SLP, pormal nang binuksan sa bayan ng Labo Camarines Norte

Pormal nang binuksan ang Bagong Pag-asa SLPA na matatagpuan sa 902nd Infantry Brigade Camp Busig-on sa Barangay Tulay na Lupa, Labo, Camarines Norte.

Ang grupong Bagong Pag-asa SLP Association na binubuo ng labindalawang miyembro  na kinabibilangan ng mga dating kasapi ng rebeldeng grupo na nagbalik –loob sa gobyerno ay nabigyan ng tulong pangkabuhayan sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Katuwang ng ahensiya ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon sa DSWD, nakapagbigay ito ng Livelihood Settlement Grant (LSG) sa Bagong Pag-asa SLP Association na may kabuuang halaga na Php 180,000.00 katuwang ang Provincial Government  na nagbigay din ng halagang Php 35,446.00.

Bukod dito, marami ding ahensiya ng gobyerno ang sama-samang nagpaabot ng tulong sa nagbalik loob gaya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagbigay ng cash assistance.

Nagbigay ng training sa Broiler Production at Carpentry ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) habang kagamitan naman ang ibinigay ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang Department of Agriculture naman ang nagbigay ng Technical assistance bilang tugon at suporta sa implementasyon ng EO 70 ng pamahalaan.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ang negosyo na napili ng mga benepisyaryo ay magsisilbing tulay para sa magandang buhay.

Matatandaan na Agosto noong nakaraang taon ng maorganisa ang grupong Bagong Pag-asa SLP Association na binubuo ng labindalawang myembro.

Layunin ng programa na makapagbigay ng basic services at social development packages sa mga conflict areas at vulnerable communities sa bansa para magkaroon ng kapayapaan at tapusin na ang bakbakan sa pagitan ng Gobyerno at rebeldeng NPA kung kaya’t na iniinstitutionalize ang Whole Nation Approach Policy.