Jubilee Door sa isa sa pinakadinarayong simbahan sa Camarines Norte, binuksan kahapon

Binuksan  kahapon, July 16, 2021  ang Jubilee Door sa isa sa pinakadinarayong simbahan sa lalawigan ng Camarines Norte, ang Shrine of Jesus the Black Nazarene and Parish of St. Lucy sa bayan ng Capalonga na isa sa mga deklaradong Jubilee Churches  sa pagdiriwang ng  ika- 500 taon ng kristiyanismo sa bansa.

Pinangunahan ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon ang selebrasyon na dinaluhan ng mga deboto ng Poong Nazareno na hindi natinag ang pananampalataya sa gitna ng COVID- 19 pandemic at sa mga restrictions na hatid nito.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa kaniyang homily, binigyang diin ni Bishop Alarcon ang yaman na mayroon ang Capalonga at ito umano ang debosyon sa Poong Nazareno na kilala hindi lang dito sa lalawigan kundi maging sa ibang dako ng mundo.

Kaugnay nito, hinimok ng Obispo ang mga deboto na ipagpatuloy ang debosyon at pananampalataya sa kabila ng mga limitasyong dulot ng pandemya.

Sana raw ay maging instrumento ng pagasa ang bawat isa lalo na sa mga kababayang nahihirapan ngayon dahil sa COVID- 19.

Mababatid na mula nang magkaroon ng pandemya ay nilimitahan ang pagpapapasok sa dambana ng Nazareno upang mapigilan ang posibilidad ng hawaan ng sakit at mula noon ay mahigpit ang pagpapatupad ng health protocols.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa katunayan, dumating din noon sa punto na kinailangang ipagbawal muna ang pagpasok ng mga deboto na hindi taga Capalonga.

Ang simbahan ng Capalonga ay isa lang sa pitong deklaradong Jubilee Churches sa lalawigan.