Liqour ban sa Baras, Catanduanes extended ng isang buwan batay sa bagong E.O na inilabas ng lokal na pamahalaan

BICOL—Muling naglabas ng bagong memorandum order ang lokal na pamahalaan ng Baras, Catanduanes kaugnay ng  mas mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bayan at sa buong islang lalawigan.

Batay sa Executive Order No. 20 series of 2021 na pirmado ni Baras Mayor Jose Paulo Teves, extended ng isang buwan ang pagpapatupad ng liqour ban sa buong bayan, na magtatapos na sana nitong Hunyo 9 ngunit mas pinahaba pa ito hanggang Hulyo 9.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Dahil dito, mahigpit na ipagbabawal ang pagbenta, pagbili at pag inom ng alak sa buong munisipalidad dahil ayon sa report, ang pagsasagawa ng inuman o “drinking session” ang madalas na itinuturong sanhi ng hawaan ng COVID-19 liban sa mass gatherings o mga pagtitipon.

Kalakip din sa nasabing kautusan ang pagbabawal sa paggamit ng videoke; pagpatupad ng curfew mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga; pagsunod sa mga minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng facemasks, pag obserba sa physical distancing at iba pa.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ang sinumang mahuhuli at mapapatunayang lumabag sa mga nasabing polisiya ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P20,000 at hindi naman tataas sa P50,000 at ang pagkaka kulong ng hindi bababa sa isang buwan at hindi rin lalagpas sa anim na buwan. Epektibo ang nasabing E.O mula kahapon araw ng Lunes.-30-